ALCATRAZ PRISON NAIS ITAYO VS HEINOUS CRIMES CONVICTS 

(NI NOEL ABUEL)

PANAHON nang magtayo ang pamahalaan ng mala-Alcatraz na piitan na paglalagyan ng mga akusadong sangkot sa heinous crimes upang matiyak na hindi makatatakas ang mga ito.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel F. Zubiri na tama lang na ilagay sa isang isla ang mga heinous crime convict at high risk prisoners gaya ng maximum security prison na malayo sa publiko.

“Heinous crime convicts and high-risk prisoners belong to maximum security prisons in isolated and uninhabited islands, far from their victims and society at large. Alcatraz-like prisons will keep us safe. They suffer the punishment and we are kept safe far away from their clutches,” sabi ni Zubiri na naghain ng Senate Bill No. 1004 o An Act Establishing A Separate  Prison Facility for  those Convicted of Heinous Crimes.

Inihalimbawa pa nito si convicted rapist-killer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na kabaligtaran ang naging buhay sa National Bilibid Prison (NBP) na sa halip na magdusa ay namuhay na mistulang hari.

Tinukoy ni Zubiri ang malaking budget ng Department of Justice (DOJ) na maaaring kuhanan ng pondo para magamit sa konstruksyon ng maximum security facilities sa ilalim ng Heinous Crime Penitentiary system.

 

118

Related posts

Leave a Comment