ALL-YEAR ROUND STUDENT FARE DISCOUNT ISINUSULONG

stude200

HINILING ni Senador Juan Edgardo Angara sa Kamara na agarang ipasa ang bersiyon ng bill sa 20 porsiyentong fare discount sa mga estudyante sa loob ng buong taon para sa tuloy-tuloy na bawas-pasahe sa transportasyon.

Sinabi ni Angara, chair ng Senate ways and means committee, na inaprubahan na ng Senado ang kanilang bersiyon noong Oktubre habang ang counterpart bill sa Kamara ay nananatiling nasa committee level.

“We are urging our honorable congressmen to pass the House version so that we can come up with the final bill that will be sent to Malacañang for President Duterte’s signature,” sabi ni Angara.

Ang panukala ni Angara ay naglalayong bigyan ng fare discount ang mga estudyante sa buong taon. Sa kasalukyan ay ibinibigay lamang ang student fare discount tuwing may pasok sa eskuwelahan. Noong Oktubre 2017, nag-isyu ng memorandum circular ang LTFRB na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong discount ang mga estudyante mula Lunes hanggang Linggo kabilang ang summer breaks, legal at special holidays.

15

Related posts

Leave a Comment