PIA ‘DI PA FEEL MAGKA-BABY

SCENES(Ni ROMMEL GONZALES)

MASAYANG-MASAYA si Pia Wurtzbach na isa ng ina ang matalik niyang kaibigan na si Pauleen Luna!

Unang beses na maging ina ni Pauleen sa napaka-cute na one year old na anak nila ni Vic Sotto na si Talitha Sotto.

“And the baby’s very cute,” bulalas ni Pia.

Nainggit ba siya kay Pauleeen ngayong may anak na ito?

“Hindi naman, hindi naman.

“I’m just very happy for her and I know she’s been wanting this for a while.”

Bukod sa pagiging Miss Universe 2015 ay artista si Pia; the latest na ginawa niya ay ang Gandarrapiddo!: The Revenger Squad na entry sa Metro Manila Film Festival noong 2017 at ang My Perfect You last year.

May dream leading man ba siya?

“Wala naman akong specific na gustong maging leading man, as long as maganda yung chemistry namin dun ako… iyon ang mas concern ko, yung magugustuhan ng mga tao.”

Dream role?

“Well tulad ng ginawa ko sa The Revenger Squad, medyo parang dream role na rin, gusto ko talagang gumawa ng something na medyo challenging na may mga combat scenes, naka-harness and some MMA (mixed martial arts) training also na hindi ko talaga akalain na kaya kong gawin.

“Kasi parang layo naman dun sa nakasanayan ko ng gawin, di ba?

“Na nagbu-beauty pageant tapos ngayon nananapak ako ng tao,” at tumawa si Pia.

At dahil gusto ni Pia ng mga action roles, tinanong namin siya kung ano ang reaksyon niya na para sa iba ay bagay rin siyang mag-Darna.

“Hindi, okay na, si Liza naman bagay naman talaga kay Liza.”

Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ang napili para maging Pinoy superhero sa bagong Darna movie.

Although kahit si Liza ang choice nga ng karamihan, marami rin ang nagsasabing bagay rin kay Pia na maging Darna sa harap ng kamera.

“Welll thank you naman dun sa mga tao na iniisip na puwede rin ako pero maganda talaga si Liza and I can think she pull off the role very well.”

Mahilig magluto si Pia kaya tinanong namin siya, kung pagkain siya ay anong klase ng pagkain siya?

“Ah, actually hindi ko pa naiisip yun. Mahirap! Ano ba,” at tumawa ang beauty queen. “Siguro kung pagkain ako, Filipino food ako, for sure.

“Gusto kong maging kare-kare!

“Kasi ang kare-kare kakaiba yung mga sangkap, yung mga ingredients natin, na hindi mo aakalain na pag cinombine [combine] yung mga flavors, masarap pala.

“Tulad nung peanut sauce, yung oxtail tsaka yung bagoong. O, di ba? Pag hinalu-halo mo lahat yun hindi mo akalaing masarap, pero  masarap pala talaga.”

Kung pagkain ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger, ano si Marlon?

“Malambing kasi si Marlon so, ano kasi siguro siya, sweet, ewan ko,” at muling tumawa si Pia. “Dessert siya for sure.”

Ano namang pagkain ang manager niyang si Jonas Gaffud (ng Empire.PH at Mercator Artist & Model Management) para kay Pia?

“Si Mama J medyo tough love si Mama J, so definitely something na parang kailangan mong kainin kahit ayaw mo, pero makakabuti sa iyo, tulad ng gulay. Di ba,” ang natatawa pa ring sinabi ni Pia. “

“Gulay, kahit hindi mo masyadong type kainin at the moment pero alam mong makakabuti sa iyo so kainin mo na.”

At siyempre, may mensahe o advise si Pia para sa mga future Filpina Miss Universe candidates …

“Like I always say you just have to keep your focus, don’t get distracted. “Maraming mga taong magbibigay sa iyo ng advise, malilito ka ganyan, pero mag-focus ka lang sa sarili mo and first of all, most of all, enjoy the pageant.

“Kasi pag natapos na yung few weeks na yun na nasa Miss Universe pageant ka hindi mo na mababalikan yun.

“It’s not like Binibining Pilipinas where you can join again.

“You can only do Miss Universe once so take as many pictures as you can and just enjoy, have fun.”

Sa tanong naman kung paano hina-handle ni Pia ang mga bashers niya?

May mensahe ba siya sa mga bashers niya?

“Wala naman…  I guess by this time I’m already used to how the industry works and how showbiz is, and I’m okay, I’m fine.

“I’m just enjoying what I love to do,” pahayag pa ng napakagandang si Pia Alonzo Wurtzbach

 

 

11

Related posts

Leave a Comment