ANAK HULI SA DROGA; FAELDON HANDANG MAGBITIW

Faeldon

MAGBIBITIW sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sakaling mapatunayang sangkot sa illegal na droga ang naarestong anak sa Naga City.

Sinabi ni Mark Perete, Justice Undersecretary at Department of Justice (DoJ) spokesperson, na nagsabi si Faeldon na magpa file sya ng leave of absence habang nililitis ng korte ang kanyang anak na si Nicanor Faeldon Jr.

Gayunman, sinabi ng DoJ na pag-aaralan muna nila ang alok ni Faeldon bago sila magdesisyon.

Si Nicanor Jr ay nahuli sa isinagawang raid kasama ang ama ng kanyang kasintahan sa Barangay Mabolo, Naga City. Target umano ang tatay ng kanyang girlfriend at dahil nasa isang tirahan sila ay kasamang inimbitahan ang batang Faeldon.

Naniniwala si Faeldon na inosente ang kanyang anak sa paratang ngunit kung mapatutunayang sangkot nga ito sa illegal na droga ay handa syang magbitiw at ipakulong ang anak.

5

Related posts

Leave a Comment