DIREK PAUL GUSTO NANG MAGKAROON NG BABY NO. 2

PAUL SORIANO

SCENESTINANONG namin si Direk Paul Soriano kung kailan nila balak sundan ng misis niyang si Toni Gonzaga ang anak nilang si Seve na 2 years-old na ngayon.

“Maybe, when he’s around three or four,” ang nakangiting sagot ni Paul.

Pinaplano ba nila ni Toni ang pagitan ng mga taon ng mga magiging anak nila? “Well, maybe with this one. We didn’t plan Seve e, ‘di ba? So, for the next one we’re trying to plan it because we’re really…

want to enjoy Seve, eh. Ayaw namin na right away. So, maybe when he’s three or four years-old, we can think na of having another one.”

Samantala, may plano na raw na susunod na pelikulang ididirek niya.

Producer kasi siya ng Mary, Marry Me at hindi director nito. Ang neophyte director na si RC delos Reyes ang humawak ng nasabing pelikula.

“I’m reading scripts now, I’m developing scripts with my team, but I haven’t chosen yet my next film.

“So after First Love, I’m hoping to do something different, maybe something… I’m looking at the lines of a horror/suspense film,” sabi ni Paul.

Ang First Love ay pelikula ni Paul na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach na ipinalabas noong Oktubre.

Ang Ten17P (headed by Paul) at TinCan Productions ay sister companies na nag-produce ng Mary, Marry Me na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25.

Si Toni ang head ng TinCan.

Maganda raw ang tandem nina Toni at Alex Gonzaga sa pelikula. “I’m very proud of direk RC and his directorial debut. Well, of course ang ganda ng tandem nina Toni and Alex. Of course, sisters sila and I mean their relationship, you’ll see it in the movie ha! Talagang it’s a family comedy na may konting romance.”

Male lead star sa movie si Sam Milby.

5

Related posts

Leave a Comment