‘LAVA WALK’ NI CATRIONA GRAY WAGI SA MS U. PRELIMS ROUND

catriona

PATOK at usap-usapan pa rin ang makalaglag-pangang ‘lava walk’ at ‘slow-mo twirl’ ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa idinaos na preliminary round ng 2018 Miss Universe pageant.

Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa din ang buong mundo sa ipinakitang kakaibang paglakad at slow-mo turn ni Gray na tila huminto ng ilang segundo bago tuluyang umikot at naglakad sa harap ng nagbubunying supporters.

Sa panayam, sinabi ni Gray na “umikot lang ako ng mabagal. Slow turn lang talaga at ‘yun lang. Pinag-aralan ko yun at ng team ko pati na ang paghampas ng long hair ko,” sabi nitong nakangiti.

Malalaman na kung sino ang mananalo sa prestihiyosong beauty pageant na gagawin sa Bangkok, Thailand sa December 17.

10

Related posts

Leave a Comment