ANAK NI FAELDON NEGATIBO SA DROGA

no vip

NEGATIBO sa droga ang nahuling anak ni Bureau of Corrections Chief (BuCor) Nicanor Faeldon  batay sa resultang inilabas ng Philippine National Police (PNP).

Walang nakitang bahid ng methamphetamine (shabu) at tetrahydrocannabinol (cannabis) sa inarestong si Nicanor Faeldon, Jr, ayon sa resulta ng PNP laboratory.

Gayunman, tatlo sa kasamang naaresto  ang nagpositibo sa shabu matapos ang drug raid na isinagawa sa loob ng kanilang bahay sa Naga City.

Nauna nang nagsabi ang BuCor chief na magbibitiw sa tungkulin at papatayin ang anak sakaling mapatunayang gumagamit o sangkot ito sa illegal na droga.

Dumistansiya rin ang Palasyo sa usapin at sinabing walang whitewash na magaganap sa imbestigasyon.

3

Related posts

Leave a Comment