ANGAT, IBA PANG DAM PATULOY SA PAGBABA NG WATER LEVEL

angatdam12

PATULOY sa pagbaba ng water level sa Angat Dam maging ng iba pang dam dahil sa matinding tagtuyot, ayon sa Pagasa.

Bandang alas-6:00 ng umaga nitong Sabado, ang water level sa Angat Dam ay nasa 177.03 meters. Ito ay nasa 177.5 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga.

Bumaba rin ang water level sa Ipo Dam mula 101.02 meters noong Biyernes sa 100.98 meters.

Sa Ambuklao Dam, bumaba rin ang water level mula 740.19 meters noong Biyernes sa 740.13 meters nitong Sabado.

Sa San Roque Dam nitong Sabado, bumaba ito mula 247.86 meters noong Biyernes sa 247.33 meters.

Bahagya ring bumaba ang water level sa Pantabangan Dam mula 194.93 meters sa 194.86 meters nitong Sabado.

Samantala, bumaba na rin ang water level sa mga sumusunod na dam nitong Sabado.

Binga: mula 566.29 m noong Biyernes sa 566.63 m nitong Sabado.

Magat:  mula 173.34 m noong Biyernes 173.37 m nitong Sabado.

Caliraya: mula 285.84 m noong Biyernes sa 286.03 m noong Sabado.

Hindi naman nagbago ang water level sa La Mesa Dam sa 68.44 m.

Nauna nang sinabi ng Pagasa na ang water level sa Angat Dam ay inaasahang bababa pa hanggang Setyembre.

161

Related posts

Leave a Comment