JULIA BARRETTO NAG-AUDITION SA DARNA

julia12

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

IBINUKO nga  ba ni Julia Barretto ang promo department ng ABS-CBN at Star Cinema?

Na isang malaking promotional stunt lang ang pag-open ng auditions ng Darna to the public? Goyoin at pagurin natin ang masang Filipino para sumikat lalo ang next Darna natin? Tutal maraming gustong maging bida? Ganoon ba iyon? Totoo ba ito, Roxy Liquigan at Eric John Salut?

May mga nagpu-push kay Julia Barretto para maging bagong Darna. Ito ang kwento ni Julia sa mediacon ng pelikula nila ni Gerald na may May 15, 2019 playdate.

Interesado ba siyang gampanan ang nasabing role?

“Actually, pumunta ako sa auditions ng Darna kanina. Sa office,” nakangiting sambit ni Julia sa mediacon ng pelikulang Between Maybes nitong Mayo 2.

Mayo 4 at 5 (Sabado at Linggo) ng 10am sa ABS-CBN Entrance Gate ang nai-announce sa publiko na auditions ng Darna.

Nauna na pala siya!

“May mga nakapila nga, eh. Actually, inunahan ko na. Pumasok na nga lang ako. Sabi ko, ‘Minsan lang naman ‘to. Bahala na’,” lahad ni Julia na tipong nagbibiro.

Kumusta ang audition niya?

“Hindi nila ako sineryoso,” pabebeng tugon ng 22-anyos na kunwari’y naghihimutok.

“Sabi ko nga, ‘Maghuhubad na po ba ako? Kasi, ready na po ako, e.’ So, umiikut-ikot ako doon. Gumaganun-ganun,” pagmumuwestra ni Julia na nakataas ang kanang kamay at nakakuyom ang palad as if lilipad siya bilang Darna.

“Tinawanan nila ako. Baka ayaw nila. Ha! Ha! Ha! Ha!”

In fairness, ni-record daw ng Star Cinema at Star Hunt ang pag-a-audition niya, at baka ilabas.

Matapos ang open forum, inusisa si Julia kung seryoso ba siyang nag-audition sa Darna.

Natawa si Julia, “Ha! Ha! Ha! Seryoso, pumunta talaga ako sa audition kanina. Totoo talaga!”

Paano kung i-offer sa kanya?

“E, kunin natin. Sabay-sabay lahat tayong lumipad,” kaswal na pakli ni Julia na tila di seryoso.

Gusto ni Direk Jerrold Tarog na maging bagong Darna ay may charm, may presence, at marunong umarte. Very much qualified si Julia!

Si Gerald Anderson ang katambal ni Julia sa pelikulang Between Maybes, na nakatakdang ipalabas sa Mayo 15. Magkasama naman sina Julia at bf Joshua Garcia sa zombie movie na Block Z na malapit nang matapos ang principal photography. Sa Hunyo ay magsisimulang mag-shoot si Joshua ng movie na bida siya.

Nang usisain si Julia kung hindi ba siya kasama sa nasabing project, ang tanging sagot niya, “We’ll see. We’ll see.”

 

91

Related posts

Leave a Comment