ANTI-AGRICULTURAL ECONOMIC SABOTAGE ACT HILING NG AGAP NA MAISAKATUPARAN NA

HINILING ng AGAP party-list at mga magsasaka at mangingisda kay Pangulong Ferdinand Marcos na maisakatuparan na ang “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act” na ginawa niyang priority bill para sa “Bagong Pilipinas, Bagong Pag-asa ng mga magsasaka at mamimili”.

Ayon kay AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, isa siya sa mga dumalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, Jr. sa Batasang Pambansa nitong Lunes, (July 22) para pakinggan ang mga accomplishment ng Pangulo at mga susunod na plano nito para sa patuloy na pagpapaunlad ng bansa partikular na sa sektor ng agrikultura.

Inasahan ni Briones na babanggitin ni PBBM ang tungkol sa “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act” na pumasa na sa Kongreso at Senado kung saan si Briones ang isa sa Principal sponsor nito.

Gayunman, bigong banggitin ni Pangulong Marcos na maaari nang isakatuparan ang nasabing batas para matapos na ang paghihirap ng Filipino farmers at consumers sanhi ng kartel, smuggling at iba pang katiwalian.

Ayon kay Rep. Briones, layunin ng panukalang batas na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845, o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act,” at magpataw ng matinding parusa para sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagbuo ng mga kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan.

Mapangangalagaan din ng nasabing panukala ang estado mula sa economic saboteurs at mapoprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka. At sa naturang bill na inihain ni Briones, isinasaad ang pagkakaroon ng National Council under the office of the President na kasama sa council ang pitong sektor ng magsasaka, may enforcement group na NBI, PNP at Coast Guard. May special prosecutors, at lifetime imprisonment ang parusa, 3x ang multa at non bailable ito.

Maaari rin mag-file ng kaso ang private citizen at may rewards sa mga tipster o whistleblower mula P1M hanggang P20M o 20% whichever is higher.

Muli, sinabi ni Briones na kahit anong ayuda, pondong ibigay sa magsasaka ay walang mangyayari kung patuloy silang pagsasamantalahan ng smugglers, hoarders, cartel at profiteers.

“We mean serious business,” pahayag ni PBBM sa agri products smugglers noong ikalawang SONA.

Subali’t para kay Rep. Briones, mawawalang saysay lang ang utos ni PBBM na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling kung ang Bureau of Customs pa rin ang mag-iimbestiga at magsasampa ng kaso base sa walang silbing Anti Agricultural Smuggling Act at walang nasasampolan na maparusahan ng habambuhay na pagkakulong.

74

Related posts

Leave a Comment