ANTI-POLIO VACCINE NG DOH IIMBESTIGAHAN

ANTI-POLIO VACCINE-2

AALAMIN ng mababang kapulungan ng Kongreso kung paano ipinatutupad ng Department of Health (DOH) ang kanilang anti-polio vaccine program.

Ang hakbang ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ay kaugnay ng iniulat na polio case sa kanyang distrito lalo na sa Barangay Batasan, Quezon City.

“Many questions about the program needs to be answered after a child in Quezon City was recently diagnosed to have polio despite undergoing

vaccination,” ayon sa mambabatas.

Isang bata umano ang nagpositibo sa Type 2 Polio sa pagsusuri ng Research Institure of Tropical Medicine (RITM)  sa nasabing barangay sa Quezon City kamakalawa.

“I would like to know from DOH how many polio viruses out there are threatening our children and how many vaccines do they have to protect

them,” dagdag pa ng lady solon.

Muli namang nanawagan si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga magulang na huwag makinig sa mga tinatawag nitong “alarmist” sa mga bakuna upang mailigtas ang kanilang mga anak.

“Hinihikayat ko ang lahat, lalo na ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Kailangan makumpleto ang lahat ng bakuna,”  ani Garin, na naniniwalang muling lumaganap ang polio sa bansa matapos ang 19 taon dahil sa takot ng mga tao sa bakuna kasunod ng kontrobersya sa Dengvaxia vaccine. (BERNARD TAGUINOD)

100

Related posts

Leave a Comment