AQUINO IDINAWIT NA SA NINJA COPS

(NI NOEL ABUEL)

NAGISA ng mga senador si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino nang mabunyag na sa panunungkulan nito bilang police director ng Region 3 hindi naipatupad ang dismissal order laban sa 13 tinaguriang ninja cops.

Sa ikasiyam na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang kawalan ng aksyon ni Aquino sa kaso ng mga nasabing ninja cop dahil sa kasong ‘agaw-bato’ at pagre-recyle ng illegal drugs sa nakumpiskang sa isang bahay sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Kinastigo ni Lacson si Aquino dahil sa naisantabi ang dismissal order laban kay P/Major Rodney Baloyo at sa 12 iba pang tinaguriang ninja cops.

Nabatid na sinabi ni Brig. Gen. Graciano J. Mijares, hepe ng Directorate Personnel Records and Management (DPRM) na dinala nito sa tanggapan ni Aquino ang case folder ng mga nasabing ninja cops kung saan inutusan umano ng huli ang una na ipatong ito sa mesa.

“I told him sir, eto na po ‘yung pina-follow-up ni Gen. Benjamin Magalong, dismissal na po ang recommendation. And I can remember what he said: Ilagay mo lang ‘yan sa table ko at ipapa-review ko ‘yan,” sabi ni Mijares.

Ilang buwan umano ang nakalipas nang malaman ni Mijares na ang kaso laban kina Baloyo at at sa mga tauhan nito ay naibasura at sa halip ay ipinatapon na lamang ang mga ito sa Mindanao noong Nobyembe 2016.

“Nagkaloko-loko sa filing ng motion for reconsideration nina Baloyo. We want to find out pwede ba submit ang records of case and downgrading of penalty from dismissal to demotion?” giit ni Lacson.

“When I looked at case folder pinayagan n’yo mag-file ng collective motion for reconsideration. Di ba … dapat individual ang motion for reconsideration?” Nagkaroon ng decision partially granting motion recommendation, ang dismissal naging demotion. ‘Yan ang nakakapagtaka. Binasa namin walang discussion,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Lacson na hindi nito nauunawan kung bakit kailangan pang pag-aralan muli ang kaso sa kabila ng napag-aralan na ito ng kanyang mga legal officers.

“Nu’ng dismissal to demotion, pina-review mo, nu’ng dismissal na talaga, pina-review mo ulit? To me it defies logic. Kung ako ‘yung commander, pina-review ko ‘yung demotion, bumalik sa iyo dismissal, dahil original naman talaga ay dismissal, walang katapusang back and forth ito.. bumalik sa table niya para i-review?” sabi nito.

Hindi naman itinanggi ni Aquino na natanggap nito ang case folder subalit hindi nito matandaan kung naiwan nito sa kanyang mesa.

 

157

Related posts

Leave a Comment