‘AREAS OF GRAVE CONCERN’ LUMOBO

pnp1

(NI JG TUMBADO)

UMAKYAT na  sa 94 ang bilang sa tala ng mga election areas of grave concern (AOGC) sa buong bansa.

Ito ang huling rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) kung sa dati ay 19 lamang umano pero ngayon ay higit na sa 90 dahil narin sa mga panibagong criteria ng Comelec.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nadagdagan ang criteria para mai-classify ang isang lugar na ‘area of grave concern’.

Sa ngayon ang isang lugar na may history ng election related violence, mainit na political rivalry, presensya ng rebeldeng NPA at ibang threat o armed groups ay pasok na sa criteria.

Dahil dito ay dumami pa ang mga lugar na classified sa areas of grave concern.

Paliwanag pa ni Albayalde, na may ilang lugar sa 94 na AOGC na posibleng irekomenda pa na ilagay sa Comelec control depende umano sa bilang para madetermina kung ito ay maisasama.

Ilan sa nabanggit ng opisyal ay ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Oriental at Tabuk sa Kalinga province.

Sa ngayon umano ay may dalawang lugar pa lang sa buong bansa ang nasa ilalim ng Comelec control at ito ay ang Cotabato City sa Maguindanao at Daraga sa Albay.

Sa kabuuan ay nasa 701 na ang bilang ng mga tinaguriang election hotspots sa bansa, 382 ang bilang ng areas of immediate concern at 94 ang AOGC at ang nalalabing bilang na classified under areas of concern.

Naniniwala si Albayalde na kailangan nang realignment at redeployment ng pwersa ng PNP sa buong bansa para mabantayan ang parating na halalan sa Mayo 13.

Mananatili naman umanong nakapako ang malaking pwersa ng pulisya sa Lanao Del Norte at ilanglugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao o BARMM dahil sa mga concerns patungkol sa seguridad at kaayusan.

Giit pa ni Albayalde na hindi naman umano kakapusin ang PNP sa security preparations at iba pang mga responsibilidad nito dahil may augmentation force naman na magmumula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

171

Related posts

Leave a Comment