KASO PINAA-AREGLO: OPISYAL, 4 TAUHAN SIBAK

star

(NI LYSSA VILLAROMAN)

LIMANG pulis, kabilang ang kanilang commander, ang sinibak sa pwesto  kahapon ni National Capital Capital Regional Police Officer (NCRPO) Director Guillermo Eleazar matapos umanong payuhan ng mga ito ang mga magulang ng tatlong estudyante na minolestiya ng isang Chinese national na aregluhin na lamang umano ang kaso na kanilang isinampa sa Pasay City.

Ang mga pulis na sinibak ay ang commander ng Police Community Precint (PCP) 1, Pasay City Police na si Chief Inspector Remedios Terte; mga tauhan nito na sina  SPO3 Timothy Mengote;   SPO2 Jonathan Bayot; PO3s Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

Nabatid na noong nakaraang Huwebes (Pebrero 7) ay dinakip ng naturang mga pulis ang suspect na si Zhang Yang,19, pansamantalang naninirahan sa Antel Tower sa Pasay City,  sa loob ng Dungeon Horror House, Star City Amusement Park, CCP Complex dakong11:00 ng gabi, bunsod sa reklamo ng tatlong estudyante.

Si Yang ay dinakip ng mga pulis matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y pangmo-molestiya nito sa tatlong kababaihang estudyante na nasa 18-anyos ang mga edad  sa nabanggit na amusement park.

Napag-alaman nang dalhin ang suspect sa PCP 1 ay pinayuhan umano ang mga ina ng mga biktima na makipag-areglo na lamang ang mga ito sa suspect.

Hindi pumayag ang mga biktima at mga magulang nito hanggang sa tuluyang sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang nabanggit na dayuhan sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Nagsumbong naman ang mga magulang ng mga biktima sa tanggapan ni Eleazar hinggil sa hindi magandang pagtrato at ang naging payo sa kanila ng mga pulis.

 

5

Related posts

Leave a Comment