(NI NICK ECHEVARRIA)
HANGGANG bukas na lang, June 23, ang hihintayin ng PNP-Firearms and Explosive Office (FEO) para isuko ng broadcaster na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril matapos mapaso ang lisensya nito.
Ayon kay FEO Director P/MGen. Valeriano de Leon, sakaling mabigo pa rin na isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril sa June 23, mapipilitan na silang magsagawa ng ‘Oplan Katok’ laban sa broadcaster.
Sa pinakahuling ulat ng FEO, hindi pa rin nagrere-apply si Tulfo makaraang ma-expire ang kanyang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) sa kabila ng maraming beses nilang pagbibigay ng abiso.
“Wala tsinek ko everyday. Hindi nagrere-apply. So pagbalik daw nya isusuko nya,” sabi ni de Leon.
Paliwanag ni de Leon sa sandaling mag-expire ang basic LTOPF otomatikong expire na rin ang mga baril.
Ayaw namang magbigay ng eksaktong bilang ni de Leon kung ilang baril mayroon si Tulfo, subalit nasa type 3 category umano ang broadcaster na ang ibig sabihin ay maaari itong magmay-ari ng hindi hihigit sa sampung baril.
Nabatid na wala sa bansa si Erwin pero nangako naman daw ito na isusuko ang mga baril kapag nakabalik na ito sa bansa sa June 23.
160