ARREST WARRANT VS TRILLANES MULING IAAPELA

trillanes

POSIBLE umanong iapela ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa mataas ng hukuman ang pagkakabasura sa kanilang mosyon na pagbabalewala sa arrest warrant na inilabas ni Makati Regional trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda.

Ang kaso ay may kaugnayan sa rebellion case walong taon na ang nakararaaan laban kay Trillanes na muling binuhay noong nakaraang taon. Hinihintay na lamang umano ng kampo ni Trillanes, ayon kay Atty. Rey Robles, ang kopya ng court resolution para makagawa ng hakbangin.  

Si Trillanes ay nasa Amerika ngayon dahil sa mga nauna nang commitments matapos manggaling sa Europa.

6

Related posts

Leave a Comment