(NI NOEL ABUEL)
ISINUSULONG sa Senado ang pagbibigay ng awtomatikong promosyon ang isang government official sa oras na ito ang magretiro sa trabaho.
Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. nais nito na magkaroon ng awtomatikong promotion ang isang government official o empleyado na eligible para sa compulsory retirement na One Grade Level Higher sa kaniyang kasalukuyang posisyon sa oras na ito ay magretiro.
Sa inihain nitong Senate Bill No. 1019 o “An Act Providing Automatic Promotion of Government Officials and Employees upon Retirement from Government Service,” ang adjusted Salary Grade Level ng isang magreretiro ang magiging basehan para sa pagkukuwenta ng kaniyang retirement benefits.
Naniniwala si Revilla na ito ay kailangan para matulungang maibalik ang ibinigay na serbisyo ng isang government employee na iginugol ang maraming taon ng kaniyang buhay sa serbisyo publiko.
Dahil sa umano’y marami ang aabutin ng kanilang pagreretiro habang nasa serbisyo ay nais ni Revilla na matiyak na makukuha ng isang government employee na magreretiro ang todong benepisyo bago lumisan sa serbisyo.
“Kung ang mga pulis ay binibigyan ng one rank higher kapag nagretiro, bakit hindi natin gawin sa lahat ng government employee na bigyan din kaparehong promotion at benefits,” giit ni Revilla.
205