AYALA, PANGILINAN GANID — PDU30

DUTERTE-AYALA-PANGILINAN-2

Muling inupakan dahil mistulang walang kabusugan

MULING nakatikim ng birada mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga negosyanteng sina Fernando Zobel de Ayala at Manny Pangilinan.

Sa briefing ng Pangulo kaugnay ng sitwasyon sa Taal, Batangas, muli nitong ibinulalas sa publiko ang ngitngit sa Manila Water at Maynilad na aniya’y tila walang kabusugan dahil patuloy na pinagkakakitaan ang kanilang negosyong tubig.

Gaya nang ipinangako sa publiko, inihatag ng Pangulo ang aniya’y mga big fish na nasa likod ng naranasang kawalan ng suplay ng tubig sa nagdaang mga buwan dahil sa pagmamatigas ng pamahalaan na bayaran ang P7.4 billion sa Manila Water ni pag-aari ng Ayala at P3.4 billion sa Maynilad ni Pangilinan.

“I may not able to arrive at the finish line. Baka hindi ko na maabutan ‘yan. But huwag ninyong …’yan. Sabi ninyo naghihingi kayo noon ng “where’s the big fish?” Ito. Ito na ang hinihingi ninyong big fish: Ayala pati Pangilinan,” ani Pangulong Duterte.

Nag-ugat ang ngitngit ng Pangulo sa dalawang water concessionaires nang mapansin niyang palagi na lamang nawawalan ng suplay ng tubig sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nag-usisa umano siya at napagtanto na ang dahilan ng kawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa bansa ay dahil sa tila panggigipit ng mga water concessionaire para bayaran ng pamahalaan ang ang P7.4 billion sa kanila.

Napanalunan kasi ng Manila Water at Maynilad ang isinampa nilang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore laban sa pamahalaan na may kaugnayan di umano sa pagkalugi ng kanilang negosyong tubig sa bansa.

So hindi nila alam maging Presidente ako. Akala nila that I will just also, you know, p***** i**, they’re reaping. They have been f****** the people for — since 1957. Billions, trillions. ‘Yang tubig? Water treatment. Iilan ang p***** i** nag… Sa bill ninyo bayad ka water treatment facility. It was a 1957 contract until now there is no — ni walang isang makina. Walanghiya talaga itong mayayaman sa totoo lang,” ayon kay Pangulong Duterte.

Aniya pa, maraming nagsasabi na maaaring bumaba ang ekonomiya ng bansa kapag hindi nabigyang solusyon ang  usaping ito lalo pa’t klaro na may paglabag sa Saligang Batas.

” As a matter of fact, that contract right at the beginning was null and void. Isang tingin ko lang. Hindi naman ako bright pero I was a prosecutor all my life. As a trial — that was my job. That the corporate tax will be passed on to the consumers. Eh ‘di huwag mo na lang i-tax. Tatamaan din pala ang tao. And yet that contract was approved by lawyers now in government. I hope Drilon is not one of them. Kasi when I decide to — idedemanda ko talaga. I will file the charges of — it’s either plunder or syndicated estafa,” aniya pa rin.

Samantala, sinabihan ng Pangulo ang publiko na huwag matakot na maputulan ng tubig  dahil kapag nagkataon ay mapipilitan ang gobyerno na i-nationalize ang tubig.

Magiging mura kung gobyerno

Samantala, maaari umanong bumaba ang singil sa tubig kapag ibinalik sa kontrol ng gobyerno ang water distribution service imbes na ipaubaya ito sa mga pribadong kumpanya na walang ibang habol kundi kita at hindi serbisyo.

Ito ang pangangalampag sa Malacanang ng Makabayan bloc sa Kamara kaugnay ng bagong kontrata sa tubig na isinusubo ng gobyerno sa Manila Water at Maynilad upang magpatuloy ang dalawang kumpanyang ito sa kanilang negosyo.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kumita ang Manila Water ng P6.5 Billion noong 2018 habang P7.3 Billion naman sa Maynilad na galing sa bulsa ng mga consumer.

“Yung pera na kinita ng mga water concessionaire, napakalaki, kalahati lang dyan ang mabawas sa bill ng consumers malaking bagay na,” anang mambabatas kaya dapat umanong ganap na itong kontrolin ng pamahalaan.

Maaari umanong gamitin mismo ng gobyerno ang ibang income sa pagsasaayos sa serbisyo tulad  ng mga butas na tubo ng tubig na hanggang ngayon ay hindi naayos ng Manila Water at Maynilad gayung 1997 pa sila nagsimulang magnegosyo.

Magugunita na isinapribado ni dating Pangulong Fidel Ramos ang water distribution noong 1997 subalit ayon kay Brosas, ay walang pagbabago sa serbisyo kahit bilyones ang kinita na ng Manila Water at Maynilad. (CHRISTIAN DALE, BERNARD TAGUINOD)

203

Related posts

Leave a Comment