(NI BERNARD TAGUINOD)
MAS maraming kababaihan ang nagtatrabaho sa ibang ibansa kumpara sa mga kalalakihan at mas malaking magremit ang mga ito ng sahod sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas.
Ito ang nabatid kay ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz kaya nararapat lamang na bigyan ng ibayong pagkikilala ang mga babaing OFWs dahil sa sakripisyo at kontribusyon ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.
“This month, we recognize the efforts not only of our women OFWs, but also all Filipinas here and abroad. We thank our mothers, our sisters, and all the women in our lives for empowering us and working hard for a better future,” ani Bertiz.
Base aniya sa survey ng Philippine Statistice Authority (PSA), umaabot sa 1.2 million ang babaeng OFWs na umalis ng bansa noong 2017 na para magtrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.
Katumbas aniya ito ng 60% sa mga Filipino OFWs na naka-deploy sa apat na sulok ng mundo sa nabanggit na taon.
Sinabi din ng tanggapan ni Bertiz na sa mahigit kumulang na anim na milyong OFWs, 60% pa rin dito ay mga babae habang 40% ang mga kalalakihan kaya dapat kilalanin ang mga kababaihang ito.
Noong 2018, umaabot sa $32.2 bilyon o katumbas ng P1.7 trillion ang total remittances ng mga OFWs.
174