BABAENG POLICE RECRUIT PARARAMIHIN

police

(NI ABBY MENDOZA)

KUNG dati ay 10% lamang sa police force ang mga babae,ngayon ay 20% na.

Ito ay matapos aprubahan ng  House committee on public order and safety ang House Bill 8689  na inakda ni Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel na naglalayong gawing  20 percent na ang slots para sa mga bagong babaeng recruits sa  Philippine National Police.

Sa oras na maging batas ay aamyendahan nito ang may 21 taon nang Philippine National Police (PNP) Reform Law na nagtatakda na 10% lamang ang dapat na ilaan na slots para sa mga babae na bagong recruits.

“Besides giving women greater opportunity to join the PNP, our intention here is to push up the absolute number of female officers in the force over time,” paliwanag ni Pimentel.

Sa kasalukuyan ay  22,800 ang babaeng pulis sa kabuuang 194,410 pulis sa buong bansa.

Ngayong 2019 ay gugugol ang PNP ng P3B para magdagdag ng 10,000 bagong posisyon bilang Police Officer 1.

Sinabi ni Pimentel na kapag marami nang pulis na babae ay tiyak na matutugunan na ang pangangailangan na pawang mga babaemg pulis lamang ang syang magasikaso sa mga kaso na may kaugnayan sa mga bata at kababaihan.

Kasama sa may akda ng panukala ay sina Representatives Alexandria Gonzales (Mandaluyong City), Chiqui Roa-Puno (Antipolo City), Marlyn Alonte (Biliran), Ann Hofer (Zamboanga Sibugay), Victoria Isabel Noel (AN WARAY), Bernadette Herrera (BH), Vini Nola Ortega (ABONO) at  Francisco Josef Matugas II (Surigao del Norte).

7

Related posts

Leave a Comment