(NI BERNARD TAGUINOD)
GAGAWA na ng batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso laban sa e-cigarette bago pa man lumala ang problemang ito dahil sa ngayon ay laganap na umano ang backyard manufacturing sa bagong bisyong ito.
Sa kanyang ihinaing House Bill 8671 o Electronic Cigarette Restriction Act, nais ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III na tuluyang ipagbawal ang pag-aangat, paggawa, paggamit, pagbenta at maging ang advertisement ng electronic cigarettes.
Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil simula nang mauso umano ang e-cigarettes ay laganap na umano ang backyard manufacturing lalo na sa flavouring at e-juices na nakakaalarma aniya.
“In the Philippines, backyard manufacturing of e-cigarette flavourings and e-juices have become rampant. The fact that local manufacturers could mix their own juices and flavourings sans public disclosure of the ingredients and solutions used is very alarming. Unless, sooner halted, this backyard manufacturing could no longer be controlled,” ani Garcia.
Sinabi ng kongresista na mapanganib ang paggamit n e-cigarette products dahil hindi nasusuri ang electrical o mechanical safety ng produktong ito at sa katunayan aniya, mayroon ng 300 kaso ng pagsabog sa gadgets na ito sa buong mundo.
Noong Nobyembre 2018, isang binatilyo ang nasabugan umano ng vape.
Maliban dito, lumalabas din umano sa pag-aral na ang paggamit ng e-cigarette ay hindi daan para makaiwas na sa sigarilyo ang mga gumagamit nito bagkus dumoble pa ang kanilang bisyo.
“As a matter of fact, while marketed as an alternative to tobacco use, a recent study by the University of California revealed that the use of e-cigarette actually reduces the likelihood that the people would quit smoking. Instead of quitting tobacco, they just eventually become dual users,”ani Garcia at ganito din umano ang karanasan ng United Kingdo sa isinagawang pag-aaral noong 2018 kaya kailangan ng gumawa ng batas laban dito.
Sa ilalim ng nasabing panukala, sinuman ang lalabag dito kapag naging batas, ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon o kulong na hindi lalagpas ng anim na taon.
153