KAILANGAN ng Pilipinas na palitan ang estratehiya sa pagsalungat sa agresyon ng China sa West Philippine Sea dahil ang “diplomatic efforts” ay mayroon lamang napakaliit na progreso.
Ang kasalukuyang diplomatic efforts sa China, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay patungo sa “in a poor direction.”
“Well, [up] to this point, we have resorted to the traditional methods of diplomacy where, should there be an incident, we send [a] note verbale. Our embassy will send a démarche to the Foreign Affairs (Ministry) office in Beijing, but we have been doing this for many years now, with very little progress,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Japanese media, araw ng Sabado.
“We have to do something that we have not done before. We have to come up with a new concept, a new principle, a new idea so that we move, as I say, we move the needle the other way. Let’s move the needle back, so that paradigm shift is something that we have to formulate,” ayon kay Pangulong Marcos, na kagagaling lang sa Japan para sa 50th anniversary of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.
Sa ulat, matapos ang pag-water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard kamakailan.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa pagtira ng water cannon ng CCG, nasira ang engine ng M/L Kalayaan.
Magsasagawa ng RORE mission ang M/L Kalayaan kasama ang BRP Cabra at Unaizah Mae (UM) 1 BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea nang bombahin ng CCG.
Nabatid kay Tarriela na maging ang UM1 ay binangga ng CCG vessel.
Winika ng Chief Executive na mayroong napakaraming ideya kaugnay sa paradigm shift, subalit kabilang sa kasalukuyang pagsisikap ang pag-uusap sa partner ng bansa para makapagpalabas ng joint position.
Tinutulan din ng Pangulo ang pagpapatalsik kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
(CHRISTIAN DALE)
