BAGYO GALING GUAM PAPASOK SA ‘PINAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA)

MALAKI ang tiyansang pumasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang tropical storm sa Pacific Ocean malapit sa bansang Guam sa susunud na Linggo at tatawagin itong Bagyong Betty, ang ikalawang bagyo na papasok sa bansa gayong 2019.

Ayon sa PAGASA lubha pang malayo ang tropical storm na may international name na Wutip, sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Kung hindi umano magbabago ang kilos nito ay maaari itong pumasok ng PAR sa susunud na Linggo ngunit may posibilidad din na tumama ito sa Philippine Sea dahilan para humina at maging Low Pressure Area(LPA) na lamang at tuluyang matunaw, kung magbabago naman ang galaw nito sa mga susunud na araw ay maaari na magrecurve at hindi na pumasok ng PAR.

Sa ngayon ang Hanging Amihan pa rin umano ang umiiral a weather system sa malaking bahagi ng bansa at asahan ang magandang panahon hanggang sa weekend.

69

Related posts

Leave a Comment