SILK INDUSTRY SA LA UNION BUBUHAYIN

weave20

(NI NOEL ABUEL)

TINITYAK ni Senador Cynthia Villar na bubuhayin nito ang silk industry sa lalawigan ng La Union para makatulong sa mga residente nito.

Ito ang pangakong binitawan ni Villar kasabay ng pagsasabing sa kasalukuyan ay nagkakaroon na ng kakapusan ng supply ng native product sa bansa.

Idinagdag pa ng senador na dapat samantalahin ng mga negosyante ang maraming mulberry leaf sa La Union na kilalang pagkain ng mga silkworms upang makapag-produce ng magandang uri ng tela.

“Alam n’yo nakakalungkot po na ang ating mga native fabric ay kulang na kulang, kaya makakaasa ang ating mga taga-La Union na susuportahan natin ang kanilang silk fabric industry, kasi luma na yata ang kanilang mga makina, pero nabigyan na natin ‘yan ng pondo, recently, para mag-improve pa,” sabi pa ni Villar.

Sinasabing ang silkworm production, na maliban sa nagiging income-generating activity, ay itinuturing na environmentally-friendly.

Patunay nito na ang mga mulberry trees ay nakakatulong upang mawala ang polusyon habang ang mga silkworm wastes ay magagamit bilang organic fertilizer.

219

Related posts

Leave a Comment