BAGYONG ‘DODONG’ PALABAS NA NG ‘PINAS

pagasa12

(NI DAHLIA S. ANIN)

BAHAGYANG bumilis ang galaw ng bagyong ‘Dodong’ patungong Hilagang-Silangan ng bansa ngayong Miyerkoles ng umaga ayon sa Pagasa.     Hindi umano tatama sa lupa ang bagyo at hindi rin ito makaaaapekto saan mang parte ng bansa ayon sa update ng Pagasa.

Gayunpaman, magdadala pa rin ng mahinang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang southwest monsoon o Habagat. Uulanin ang MIMAROPA (North Palawan, Mindoro Oriental at Occidental, Romblon at Marinduque), Western Visayas (Aklan, Antique, Guimaras, Western Iloilo at Negros Occidental) at bahagi ng Bicol Region (Masbate, Kanlurang bahagi ng Cam. Sur, Albay at Sorsogon) ngayong araw.

Makararanas din ng mahina at malakas na ulan ang Metro Manila at Central Luzon.

Huling namataan si ‘Dodong’ sa 705 km silangan ng Basco, Batanes na may lakas ng hangin na 45km per hour at bugsong 60km per hour.

May bilis itong 15km kada oras patungong Hilagang Silangan.

Inaasahang lalabas ng bansa si ‘Dodong’ bukas, Hunyo 27, sa 1,380 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.

“The public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions” ayon sa Pagasa.

131

Related posts

Leave a Comment