(NI BETH JULIAN)
TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahagi ng kanyang veto message para sa General Appropriations Act of 2019 o ang national budget.
Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na hindi niya hahayaan ang anumang pagtatangka na salungatin ang Konstitusyon.
Tinukoy ng Pangulo ang 12 probisyon sa national budget na ibinasura nito kabilang na ang ilan gaya ng paggamit ng “income” sa ilalim ng DOLE-National Labor Relations Commission; assistance sa municipalities at cities sa ilalim ng local government support fund; probisyong patungkol sa pangongolekta ng fees para sa retainment o re-acquire ng Philippine citizenship; special working permit provision ng Bureau of Immigration; tinatawag na “special road support fund,” “special local road fund,” at “special pollution control fund” sa ilalim ng DPWH.
Aminado ang Pangulo na hindi naging matiwasay sa pagpapasa ng panukalang budget pero maaaring tingnan sa positibong pananaw ang budget delay para na rin sa kapakanan ng publiko.
181