BALASAHAN SA NAIA MALABO

NAIA-7

(NI BETH JULIAN)

TALIWAS sa naunang ulat, walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng balasahan o rigodon sa mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang ginawang paglilinaw ni Duterte sa kabila ng nauna nang pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nagsabing nagparamdam umano ang Pangulo na magkakaroon ng rigodon sa NAIA sa ginanap na Cabinet meeting nitong Lunes ng gabi.

Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na sinisikap pa niyang hanapan ng solusyon o tugunan ang mga problemang kinakaharap sa NAIA.

“Wala. I am still trying to sort out the problem,” ayon sa Pangulo.

Una nang inatasan ng Pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade na madaliin ang pagbubukas ng operasyon ng Sangley Point sa Cavite para maging alternatibong paliparan para sa domestic flights.

Magugunitang sorpresang binisita ni Pangulong Duterte ang NAIA Terminal 2 noong Lunes ng madaling-araw makaraang makatanggap ng impormasyon ukol sa maramihang kanselasyon at delay ng mga biyahe ng eroplano.

Paliwanag naman ng NAIA ay kaya kinansela ang ilang flights ay dahil sa malalakas na kulog at kidlat na naranasan noong Linggo ng gabi na delikado umano para sa mga eroplano.

 

166

Related posts

Leave a Comment