BALOTA SA OVERSEAS VOTING TAPOS NA

comelec16

TAPOS nang iimprenta ang mga balota sa overseas voting habang tuloy ang testing sa vote counting machines.

Mahigpit namang babantayan ng Comelec ang mga campaign posters ng mga kandidato. Ang mga balota sa

Mindanao ang nakasalang ngayon sa National Printing Office habang tapos na ang isang milyong balota para sa overseas voting. Patuloy ring ginagawa ang testing sa vote counting machine.

Target na ipadala ang mga makina sa huling linggo ng Abril at uunahin pa rin ang Mindanao area. Kasabay nito, hinihintay ng Comelec ang rekomendasyon ng PNP na isasailalim sa Comelec control.

147

Related posts

Leave a Comment