SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na mauunang iimpreta ang mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting para sa May 2019 elections.
“ May mga listahan na lugar sa mga overseas automated polls at ang mga balotang ito ay ipapadala sa mail. Itong mga balotang ito ang uunahing i-impreta kasi iba ang itsura ng balota na iyon. Ang laman lang nun, national candidates, kaya mas mabilis matatapos ‘yun,” paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press conference.
“Pero ‘yung kabuuan ng [mga] balota para sa national elections, mga mid-April matatapos ang printing,” dagdag pa nito.
Ang campaign perios para sa senatorial bets ay magsisimula sa February 12 hanggang May 11. Habang ang election day ay sa May 13.
Inilabas na ng Comelec ang pinal na listahan ng senatorial candidates noong nakaraang linggo. Naging 62 na lamang ito mula sa orihinal na 63 matapos umatras si dating presidential adviser Harry Roque.
Ipinaliwanag ni Jimenez na ang pangalan ni Roque ay hindi na lalabas sa mga balota matapos itong magsumite ng statement of withdrawal sa Comelec office noong Biyernes.
“Inaasahang magsisimula ang printing ng balota sa February 7. Ang pag-imprenta ay gagawin 240ras araw-araw,” sabi pa ni Jimenez.
267