Balwarte pa rin ng mga Duterte RATINGS NI MARCOS SA MINDANAO TULOY SA PAGBULUSOK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NAGTALA ng pagbaba sa trust rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) at OCTA Research.

Nakita ang pagbaba ng rating ni Marcos sa Mindanao kung saan naman nakakuha si Vice President Sara Duterte ng mataas na marka.

Base rito, lumakas ang paniwala ng marami na dominante pa rin ng mga Duterte ang parteng Mindanao.

Sa non-commissioned survey ng OCTA na inilabas noong Huwebes, nasa 69% ng adult Filipinos ang nagtitiwala kay Marcos, na dalawang porsiyentong mas mababa sa nakuha niya noong second quarter ng taon.

Mula naman sa 65%, bumaba ang trust ratings ni Vice President Sara Duterte sa 59%.

Paliwanag ng OCTA sa pagsadsad ng rating ni Duterte: “This significant drop raises concerns, particularly as her distrust rating now stands at 14%, with 27% of respondents undecided. This downward trajectory in trust ratings is stark compared to March 2023, when she enjoyed an impressive trust level of 87%”.

Nakakuha si Marcos ng pinakamataas na trust rating mula sa Balanced Luzon na 78%, habang 50% lang sa Mindanao.

Mula rin sa Balanced Luzon ang pinakamataas niyang nakuhang performance rating na 74%, at pinakamababa sa Mindanao na 48%.

Sa Mindanao naman pinakamataas ang trust rating ni Duterte na 95%, at pinakamababa sa Balanced Luzon na 43%.

Ang Mindanao rin ang nagbigay kay Duterte ng pinakamataas na performance rating na 90%, habang pinakamababa naman sa Balanced Luzon na 37% at sa National Capital Region na 38%.

Sa resulta naman ng September 14 hanggang 23 survey ng SWS, nasa 57 percent ang trust rating ni BBM na mas mababa kumpara sa 64 percent noong Hunyo.

Sa kaparehong resulta, nasa 55 percent ang trust rating ni Vice President Sara Duterte na bumaba rin mula sa 65 percent noong Hunyo.

117

Related posts

Leave a Comment