BARKONG NAKA-PARK SA PASIG RIVER PAAALISIN

(NI JEDI PIA REYES)

IPINAAALIS na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng mga barko na ilegal na nananatili sa Pasig River.

Ayon kay Cimatu, pinuno rin ng Pasig River Rehabilition Commission (PRRC), marami siyang nakikitang ‘illegally berthed vessels’ sa Pasig River, gayong hindi naman ‘parking area’ ang ilog.

Diin pa ng kalihim, hindi uubra ang walang permisong pag-dock ng mga vessel o barko sa Pasig River dahil isa ang mga ito sa nagpapadumi sa ilog at maituturing na ‘eyesore’.

Inihalimbawa ni Cimatu ang ilang nakaparadang mga barko sa Pasig River na sa mismong ilog na rin natutulog ang mga tao at doon umano umiihi at dumudumi.

Nakikipag-ugnayan na ang DENR sa MARINA sa kung ano ang dapat gawin sa mga barko.

Nilinaw naman ni Cimatu na walang problema kung ang mga barko ay pansamantalang naka-angkla sa Pasig River tuwing masama ang panahon o may bagyo. Pero kapag naging normal na aniya ang lagay ng panahon ay dapat bumalik na sa pantalan ang mga ito.

186

Related posts

Leave a Comment