BATAS NG CHINA SA P3.6-B LOAN AGREEMENT KINONTRA SA SENADO

china rp12

(NI NOEL ABUEL)

KINONTRA ng ilang senador ang pahayag ng Malacañang na maaaring gamitin ng China ang sariling batas nito sa bansa kaugnay ng P3.6 bilyong loan agreement sakaling hindi mabayaran ng Pilipinas ang nasabing utang.

Sinabi ni Senador Francis Pangilinan na walang sinumang bansa ang papayag sa isang one-sided terms sa isang kasunduan.

Idinagdag pa ng senador na sa bawat kontratang pinapasok ng gobyerno sakaling dehado ang bansa ay tahasang paglabag sa anti-corrupt practices act.

Sinabi naman ni Senate Pro-Tempre Ralph Recto, na kung totoong pwedeng mangyari ang nais ng China ay hindi naman ito maaaring mangyari sa iba.

“It may be standard for China loans but not with the others,” ani Recto.

Paliwanag pa nito na maraming paraan para pondohan ang isang government projects tulad ng public-private partnership at international development finance institutions.

“My preferred method is PPP. If government needs to borrow, then it may borrow with the ADB (Asian Development Bank) and World Bank. Thereafter, it may borrow from JICA (Japan International Cooperation Agency),” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na wala itong nakikitang problema sa probisyon na maaaring angkinin ng China patrimonial assets ng Pilipinas sakaling mabigo ang huli na mabayaran ang utang.

 

146

Related posts

Leave a Comment