BAWAS-PRESYO SA GAMOT IGINIIT SA SENADO

gamot

(NI NOEL ABUEL)

NANAWAGAN ang ilang senador sa pamahalaan na ikonsidera nang ipatupad ang pagbabawas sa presyo ng mga gamot sa bansa.

Ayon kina Senador Risa Hontiveros at Senador Christopher Lawrence Go, napapanahon nang ibaba ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas na malayong-malayo sa presyo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Hontiveros na base sa datos ng Department of Health (DOH), ang halaga ng gamot sa bansa ay apat na beses na mas mataas sa international reference prices (IRP) habang 22 beses ding mas mataas sa pribadong sektor.

Samantala, ang innovator o ang original-branded medicines na ibinebenta sa private sector ay nasa 486% mas mataas sa presyo kung ikukumpara sa kahalintulad na gamot sa mga pampublikong pagamutan.

“We have made significant inroads in the health sector, particularly with the passage of the Universal Health Care (UHC) Law. Ngunit maaaring mabura ang mga ito kung hindi matutugunan ang isang mabigat na problema. Ano ang problema? Ang presyo ng gamot, hindi maabot,” sabi ni Hontiveros.

Sa kabila ng maraming bilang ng Filipino ay umaasa sa PhilHealth ay hindi naman nakatutulong sa sakit dahil sa mataas na presyo ng gamot.

“Ilan pa ba ang mga Pilipinong dapat magkasakit at mamatay bago ibaba ang presyo ng gamot sa mga sakit na may lunas naman? Kailangan bang mabaon sa hirap ang pamilyang Pilipino sa tuwing may sakunang dumadating? Mura, agaran, epektibong lunas at gamot ang kailangan. Mas mahalaga ang kalusugan ng mamamayan kaysa sa tubo o kita ng iilan,” paliwanag pa nito.

 

259

Related posts

Leave a Comment