BI NAGHIGPIT SA AIRPORT, PANTALAN

(NI TERESA TAVARES)

ISINAILALIM na ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang mga tauhan nito sa lahat ng mga international airports at seaports sa bansa bunsod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nito na maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang terorista kasunod ng Jolo bomb attack.

Inatasan ng opisyal ang lahat ng immigration officers na doblehin ang pagbabantay at screening sa mga banyagang dumarating sa bansa.

Mahigpit ang bilin sa mga BI officers na huwag papasukin sa bansa at agad na mai-book agad ng pinakaunang biyahe palabas ng Pilipinas  at pabalik ng pinagmulang bansa ang dayuhan na mabibigo na maipaliwanag ang lehitimong dahilan ng pagtungo sa Pilipinas

Sinabi ng opisyal na mas mabuting maghigpit sa mga pumapasok na dayuhan sa bansa kahit wala pang kumpirmasyon sa mga otoridad ang pag-amin ng grupong ISIS sa pagpapasabog sa Jolo.

150

Related posts

Leave a Comment