NI FRANCIS SORIANO
LALO pang naghigpit ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbabantay sa lahat ng paliparan sa bansa kaugnay sa mga suspected terrorists, mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Ito’y matapos na ipag-utos nitong Biyernes ni Commissioner Jaime Morente ang paglilipat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa ilalim ng kanyang pangangasiwa bilang mata at tenga nito.
“The Bureau of Immigration (BI) has ‘tightened its watch’ on airport operations by implementing internal movement and coordinating with other agencies. We have transferred the authority over our secondary inspectors, and they shall report directly under my office,” sabi ni Morente. “They will serve as my eyes and ears at the airport,” dagdag pa nito Morente.
Ayon pa kay Morente, ang TCEU ay siyang in-charge sa mga passenger inspections sa iba’t ibang international airports para sa posibleng biktima ng human trafficking at illegal recruitment habang nasa direct authority naman nito ang Border Control and Intelligence Unit na siyang nagsisilbing intelligence arm ng ahensiya sa airports at pagmonitor sa mga suspected terrorists.
167