NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019.
Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region.
Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb.
Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa ang kinakailangang putulin ang ang daliri.
Isang biktima, isang 7-anyos na batang lalaki, ang mapuputulan ng ring finger mula General Trias, Cavite. Naka-confine pa rin ang bata sa isang ospital, ayon sa DOH.
Isinusulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa mga paputok sa paglagda ng Executive Order 28 noong 2017 na naglilimita sa paggamit ng paputok sa bansa ngunit sa kabila nito ay patuloy na nilalabag ang kautusan ng Pangulo at patuloy na gumagamit ng iligal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
239