BILL SA KAMARA: P80-K SA MGA EDAD 80

seniors44

(NI BERNARD TAGUINOD)

SAKALING maipasa ngayon ng Kongreso, magkakaroon na ng P80,000 cash gift ang mga Filipino na aabot sa edad 80 anyos.

Sa ilalim ng House Bill 907 na inakda ni Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, nais nito na huwag nang hintayin na umabot sa edad 100 bago magkaroon ang mga ito ng cash gift.

“Our intention in filing HB No. 907 is to make the cash gift more accessible to more Filipinos and enable them to enjoy it during the twilight years of their lives where medicines and other necessities are more urgent,” ani Lagon.

Base sa ilalim ng Republic Act 10868, lahat ng mga Filipino na edad 100, nakatira man sa Pilipinas o sa ibang bansa ay magkakaroon ng P100,000 na cash gift sa gobyerno.

Gayunpaman, sinabi ni Lagon na hindi na dapat hintayin pa na umabot sa 100 ang edad ng mga Filipino na mabigyan ng cash dahil maraming Filipino ang edad 80 ang marami ng pangangailangan kaya nararapat na bigyan din ang mga ito ng cash gift.

“It should also be noted that many of those who are lucky enough to qualify for RA No. 10868 no longer have the mental faculties to appreciate and enjoy the cash gift,” ani Lagon.

Hindi sinabi ng mambabatas kung ilan Filipino ang umaabot sa edad 80 subalit tulad aniya ng mga edad 100 ay kailangan na ng mga ito ang nasabing halaga para sa kanilang mga medikal na pangangailangan.

“May kasabihan nga tayong mga Pilipino na aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,” paliwanag pa ng kongresista kaya nanawagan ito sa kanyang mga kasamahan ngayong 18th Congress na bigyan prayoridad ang nasabing panukala.

153

Related posts

Leave a Comment