SCOOP!!!
ISANG documentary ang ilalabas ng Viva tungkol sa training ng triathlete, singer-actor, celebrity endorser, entrepreneur at higit sa lahat, nobyo ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.
Ang purpose ay hindi para i-commercialize ang scout ranger training ng singer-actor bilang army reservist kundi para malaman ng publiko ang hirap na kanyang pinagdaaan sa loob ng Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan at para na rin maka-enganyo sa mga kabataang lalake to do the same, ang maging army reservist.
Inamin ni Matteo na muntik na siyang magback out sa ikaapat na araw ng training – pero ito’y kanyang pinangatawanan. Doon lamang umano niya na-realize ang hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga sundalo lalo na ‘yung sumasabak sa giyera.
“Lalo po akong humanga sa mga sundalo dahil kaya nilang mawalay sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay dahil lamang sa kanilang tapat na paglilingkod sa bayan,” pahayag ni Matteo.
###
Dalawang beses na naming nakita si Matteo sa magkahiwalay na okasyon. Una, sa Sunlife grand launch ng kanilang mga life partners and brand ambassadors na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza noong July 6.
Ang pinaka-recent naman ay during the formal launch ng joint venture ng iflix at Viva Communications, Inc. na ginanap sa ArthaLand Century Pacific Tower sa Bonifacio Global City last July 10. Naroon ang ilang stars ng Viva including Matteo na siyang guest performer. Naroon din siyempre ang big bosses ng Viva na pinangunahan mismo ni Boss Vic del Rosario ma-ging ang top guns ng iflix.
Boss Vic revealed to us na nagpasok din umano siya ng investment sa Malaysia-based company headed ng CEO na si Mark Britt na siya ring co-founder ng video-on-demand service provider.
Part ng kanilang joint venture ay ang pagkakaroon ng access ng iflix sa library materials ng Viva. Nariyan din ang pag-co-produce nila ng 30 movies sa loob ng isang taon at siyam na mini-series – kasama na rito ang Pedro Penduko.
###
Speaking of Pedro Penduko, napag-alaman namin (although confidential pa ito) na si Matteo na ang gaganap sa title role bilang kapalit ni James Reid na umatras sa nasabing project dahil sa kanyang spine injury na kanyang nakuha mula sa kanyang pagti-training for the movie na dapat sana’y nagsimula nung Enero pa.
Ultimo si Matteo ay quiet pa tungkol sa proyektong ito which will be his very first title role. Makakasama sa movie sina Empoy Marquez at ang child star na si Alonzo Muhlach at pamamahalaan ito ni Treb Monteras II under Viva Films and Epik Studios.
Samantala, since hindi na si James Reid ang gaganap sa role ng Pinoy folk hero, malamang na hindi na rin si Nadine Lustre ang gaganap sa papel ni Maria Makiling. Most likely ay magkaroon ng special participation sa movie si Sarah Geronimo.
###
Still on Matteo, ayaw nitong patulan ang gustong magpaka-controversial na “da who” actress na sa halip na matuwa sa pagpapakita ng singer-actor ng kanyang pagmamahal sa bayan ay inintriga pa nito. Kung papatulan nga naman ito ni Matteo, ang “da who” actress ang makikibang at his expense.
Matteo is a level-headed person, edukado, respectful at galing sa isang buena familia sa Cebu. Hindi nga naman siya pinalaki ng kanyang mga magulang para pumatol sa isang babae tulad ni “da who” na may hidden agenda.
164