Binabatikos ng netizens “ANG OA NI ROBIN”

DAHIL sa pagtalakay sa Senado ng pelikulang PLANE, nagka-interes ang publiko na panoorin ito.

Mapait sa panlasa ng netizens ang reklamo ni Senador Robin Padilla. Komento nila, parang hindi artista ang senador at hindi alam kung paano ihiwalay ang kathang-isip sa totoong buhay.

Pero seryoso ang senador na ipa-ban ang pelikula ni Gerard Butler. Pigilin man ang pagpapalabas nito o hindi, isa lang ang tiyak ngayon, nabuksan na ang kuryosidad ng mga tao kaya hahagilapin nila ito saanmang online platform.

Narito ang maaanghang at nakatutuwang komento ng netizens (Hindi na po namin isinama ang mga may pagmumura at iba pang masasamang salita):

Vina K.Vuh: Plane: I did not find anything offensive in the movie. It was just a typical good guy vs bad guy story. Robin Padilla was over-reacting.

KB: Just watched #Plane & it was pretty good! I wouldn’t want to land in Jolo either! Aminin na natin na may parts talaga sa Pilipinas na hindi safe. Si Ces Drilon nga nakidnap na doon eh. Robin Padilla gusto mo lang magpasikat! Focus on using your position to make the PH better!

senora ng mga hampaslupa: Jusko… movie lang yan… eh ano ngaun kung kontrabida ang Pinoy sa isang Hollywood movie na “Plane”… hindi porke’t kontrabida ka na eh masama ka na sa totoong buhay. FICTIONAL Character lang yan. wag kang KJ. Maging proud na may PINOY na nakasama sa international film!

Jay: kung lahat ng country mag pprotest pag na bad light sila sa movie so papano mabubuo yung movie? Lahat nlng perfect na maayos na maganda? So ano ng sense manuod ng movies? Sana po gumagamit kayo ng utak

Thirty1Minions: That’s what you get if you hire someone who is not fit for the job.

Fat Bearded Hermit: Sheesh hahahaha if only they focused on the REAL issues and not their bruised egos.

lina: Alam kaya nya kung hanggang saan ang sakop ng direktiba ng MTRCB? Like, akala ba nya worldwide at hindi pwede i-stream online?! The more na papanoorin. Haaay!

Julio Torres: Dear Robin Padilla,

Alam mo bang tinatanggalan mo ng kita ang mga sinehan pag binan mo ang PLANE movie?

Mapapanood din namin yan sa streaming platforms. Available na rin naman yan sa torrent ngayon. Mas pabor ka pa sa piracy?

mea sarmiento: Robin Padilla senate legacy #1: Banning the FICTIONALIZED movie, PLANE because he’s just a tad too sensitive. How low can we get?

angie c.t.: Pag nalaman ang biography ni Robin Padilla ng mga cast, producer ng movie “Plane” siya ay ex-convict at may image na bad boy,mas lalo siya pagtatawanan feeling ni Robin kagalang-galang siya!

Bonafide: Bakit ayaw gawan nang paraan at ayusin kung ano man ang pangit sa imahin nang bansa natin?

kaMangyan: Eh yung reputasyon kaya ng mga Pulis sa mga pelikula mo na ipinoportray na laging huli, kabilang sa sindikato at di maasahan, ano kayang masasabi ni Sir Robin.

TrapoSalot: Ay nako. Ang nakakasira sa bayan ay ang mga kawatan sa gobyerno at ang mga kasabwat nila sa pribadong sektor.

nuevodude: Ang bad image yung nakabangga ka ng tao tapos tatakbuhan mo yun pala may mga baril ka na wala kang papeles tapos magiging senador ka.

Chaeunwoo: Pero kapag Pinoy ang bumanat sa foreigner wala silang sinasabi, tulad ng mga Arabo laging rapest ang role mga Amerikano laging hindi marunong magmahal

atashi komiwa: mainit talaga ang ulo ko kanina pa ,,,pero ok na ako ngayon ,,napatawa ako ni robin padilla !

jubi: alang kwenta nga inuuna netong pag aksayahan ng panahon……gawa ka ng batas na kapaki pakinabang

Kuneho: Kaya walang foreign filmmakers na dumadayo sa bansa natin para sa kanilang pelikula kasi mareklamo tayo. Gusto parating maganda lang ipapakita.

May isa namang nagbalik-tanaw sa pelikulang 10,000 hours ni Padilla na pinalabas noong 2013 kung saan tingin niya ay minaliit ang mga pulis ng The Netherlands.

Jose Artemio: Eh yung pinapalabas nyo na bingi at walang kwenta ang pulis sa Netherlands? Naintindihan ko “to dahil art nyo yan! Parang awa mo na Sen. Padilla, pakigamit ang kapangyarihan mo sa mas makabuluhang bagay…

Ramil: Magaling na senador, bakit po tila tahimik kayo sa usapin ng pag harass ng Chinese coast guard sa mga barko ng PCG
We Deserve Better: Mr Padilla, yung passion mo sa pag-call out sa isang fictional movie for putting the PH in a bad light, sana ganyan din ung level sa pag-call out mo sa EJK, sa mga cartel at hoarders, sa presidnte na quiet sa tax cases ng pamilya.

Ay oo nga pala! Hindi ka pala kumibo doon.

Tommy Suiza: Baket ng cuba at russia di nagagalit pag sila ang villain? Baket parang balat sibuyas ka ngayon?? Makabayan?? O mema lang?

Ms. Mauricio: Hindi kaya galit siya sa America kasi hindi siya mabigyan ng visa? Hindi niya tuloy masamahan si Mariel tuwing manganganak doon para maging U.S. citizen mga anak nila.

PlainRicDrip: How ironic, he got famous because of these so called “bad images” na film as an actor before. Its a film ffs. We have bigger problems than this.

Malalim naman ang hugot ng isang ito na hinahanapan ng pagtindig si Senator Padilla para sa mga magsasaka at mahihirap.

Karatecian: inang bayan mayass. asan ka nung nag-protesta mga tao dahil sa illegal na minahan sa Sibuyad Island? Anong say mo sa mga nagigipit na farmers dahil sa imported sibuyas? ASAN KA nung nagigipit ang mga mahihirap sa sinasabi mong INANG BAYAN?

dipoy4: Di na kailangan ng Movie para masira ang Pilipinas Dude. Araw araw lang sira na tayo. Huwag feeling!

Marj Salonga: Um, ang China po paulit-ulit na sinusubukan tayo. Karangalan din natin ang parating naitataya sa tuwing lumalampas sila sa teritoryo natin. Ginagawa pa tayong sinungaling. Ito po ang dapat nating tutukan.

Gerard: Gawin mo ng tama mo trabaho mo para gumanda image ng Pilipinas

mark imbong: unqualified, short-sighted & self-centered people in govt, thats what gives the country a “bad image”! such a waste of time

Blue Belle: Smh over the quality of our lawmakers. Focus on your legislative obligations. If that’s the impression ng foreigners tungkol sa bansa, di gawa ka ng laws na magpapaunlad satin at maging maganda reputation natin.Di yung magsasayang ka ng manhours sa useless pronouncements.

PerezB: Senator Padilla, napakaraming international movies na nakakasira sa image ng ibang bansa pero hindi naman sila nasisira. Kaya nga movie eh. Para ho kayong hindi artista.

Jolasbol_10: Robin Padilla who is a (former) movie actor should know that “Plane” is just another action movie and not based on a true story. He should know how to separate facts from fiction.

Jojo Clemente: Coming from someone who likes portraying hoodlums and thugs in movies, ngayon pa siya nag-alala tungkol sa reputasyon ng bansa. Sa mga pelikula lang niya, anong imahe ba ang pinalita niya?

Ryukaze: Talk is cheap coming from this guy… yeah, also this guy who constantly plays the bad guy back then. He shouldn’t talk since he’s wasn’t playing character that invoke patriotism so yeah.

(Editor’s Note: May opinyon ka rin ba sa isyung ito? Share mo na sa pamamagitan ng email: saksi.ngayon@gmail.com/ text: 0939-6138715/ o sa aming website: www.saksingayon.com

242

Related posts

Leave a Comment