COCAINE SA DAGAT INSULTO SA DRUG CAMPAIGN NG GOBYERNO

cocaine17

(NI BERNARD TAGUINOD)

INSULTO sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga ang nga cocaine na ibinabagsak sa karagatan ng Pilipinas tulad ng mga narekober sa Dinagat Island at Camarines Sur at Norte.

Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang pahayag dahil bukod sa mga tone-toneladang shabu na nakalusot sa Bureau of Custom (BOC) ay nagdadatingan ang mga cocaine sa bansa na ibinabagsak sa karagatan.

“With the tons of shabu being shipped into the Philippines through the Bureau of Customs and the recently-found dozens of kilos of cocaine bricks in Dinagat Islands, the Philippines is indeed still a narcotics haven,” ani Villarin.

Dahil dito, hindi umano dapat ipagsaya ng Malacanang ang resuta ng Social Weather Station (SWS) survey na 66% sa mga Filipino ay naniniwalang kumonti ang mga adik sa kanilang lugar dahil sa giyera kontra ilegal na droga ni Duterte.

Hindi ito indikasyon na nagtagumpay na aniya ang gobyerno laban sa ilegal na droga dahil maaaring gumawa na ng ibang paraan ang mga sindikato ng droga para ituloy ang kanilang negosyo at isang patunay nito ang mga dumating na shabu sa bansa sa pamamagitan ng BOC at ang mga cocaine na narekober sa karagatan ng Camarines Sur, Camarines Norte at sa Dinagat Island.

Nauna rito, may mga cocaine na narekober sa Isabela, Matnog, Sorsogon at Quezon Province na isang pruweba na sa kabila ng tuloy na tuloy na pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug addict at pushers sa Pilipinas ay tuloy-tuloy ang sindikato ng droga sa kanilang operasyon at para kay Villarin ay insulto ito kay Duterte.

77

Related posts

Leave a Comment