BJMP NASA RED ALERT SA PASKO, BAGONG TAON

(PAOLO SANTOS)

PARA maiwasan ang pagpuga nagdeklara ng red alert ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lahat ng jail facilities sa buong bansa ngayong Disyembre 24 hanggang Dec. 25 at Disyembre 31 hanggang Enero 2, 2020 para mapigilan ang pagpuga ng mga inmates sa mga jail facilities.

Ayon kay Major Xavier Solda, hepe ng Public Information Office ng BJMP, upang maiwasan ang pagpuga ng mga inmates ngayong darating na Kapaskuhan at Bagong taon nagdeklara ng red alert status ang BJMP sa lahat ng jail facilities sa buong bansa.

Sa isang press conference Lunes, sinabi ni Solda na tuwing dumarating ang kapaskuhan at bagong taon dinadalaw ng pangungulila ang mga inmates na nakapiit sa mga jail facilities dahil sa pananabik sa kanilang mga pamilya kung kaya’t nakaiisip na tumakas ang mga ito.

“Dahil sa pananabik sa kanilang mga mahal sa buhay at pamilya nakakaisip ang mga inmates na tumakas ng mga jail facilities para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay” ani pa ni Solda.

Kaugnay nito tiniyak ni Solda na bilang bahagi ng red alert status ng BJMP walang papayagan ang ahensya na mag-leave sa mga miyembro ng ahensya ngayong kapaskuhan at bagong taon.

Idinagdag pa ng opisyal kadalasan tuwing kapaskuhan maraming mga pamilya ng mga inmates ang dumadalaw sa mga jail facilities at  para sa kanilang mga nakapiit na mahal sa buhay at ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng mga party sa loob ng mga jail facilities.

Kaugnay nito sinabi ni Solda na hindi agad mapapalaya ang mga inmates na pinawalang sala sa Maguindanao massacre case dahil hihintayin pa ng BJMP ang clearance mula sa korte hinggil sa mga nakapiit na akusado upang matiyak na wala ng mga nakabimbing kaso ang mga ito.

“Dadaan pa sa proseso bago palayain ang mga akusado na nakapiit sa Maguindanao massacre case dahil kailangan pa ng clearance sa korte ang mga ito” dagdag pa ni Solda.

Tiniyak naman ni Solda na patuloy na nasa mabuting kalagayan ang mga inmates sa buong bansa ngayong kapaskuhan.

 

210

Related posts

Leave a Comment