BOTANTE NG OAV WALA PANG BALOTA; BUDGET KAPOS

overseas12

Ni FRANCIS SORIANO

HALOS dalawang linggo na ang nakalilipas simula ang botohan noong April 13 para sa mga Overseas Absentee Voters (OAV) ay marami pa ring hindi nakaboboto dahil umano sa problema sa official ballot.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kahit naaprubahan na ang 2019 budget ay hindi naman ito agad naipamahagi sa lahat ng tanggapan na may request para sa pondo.

Dahil dito ay atrasado umano ang pagpapadala nila ng mga balota para sa ibang overseas absentee voters dahil sa problema sa budget at malaki umano ang nagastos ng poll body sa postal stamps kaya hindi lahat nabigyan ng official ballot.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang Comelec na maihahabol ang naturang mga balota bago magtapos ang overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.

81

Related posts

Leave a Comment