(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ng Malacanang na hindi hahantong sa failure of election ang paninira ng mga kritiko ng administrasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news tulad ng ‘Bikoy’ video.
Sinabi ni Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar, kung mga disinformation lamang ang kailangang labanan para magkaroon ng patas at malinis na halalan, madali lamang aniya itong pigilan.
Sinabi ni Andanar na sa tulong ng mainstream media at pakikiisa ng mga botante ay hindi magtatagumpay ang mga nagpaplanong isabotahe ang nalalapit na halalan.
Paliwanag ng kalihim, kung magkakaroon lamang sana ng mga panuntunan para mai-regulate ang mass media ay mas magiging madali ang pagpuksa sa fake news.
“Problema kasi ngayon kahit sino ay maaari nang maging broadcaster sa social media,” pahayag pa ni Andanar.
132