LEYTE NILINDOL

leyte100

NAKARANAS ng magnitude 4.0 ang probinsya ng Leyte kaninang alas 10:44 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs ang sentro ng lindol ay naitala sa pitong kilometro ng Hilagang-Silangan ng Albuera,Leyte. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 2 kilometro.

Ang Intensity 3, ayon sa Phivolcs, ay mahina at mas nararamdaman lamang ng mga tao na nasa loob ng mataas na building.

Ito ang pinakabagong pagyanig ngayong linggo na sinimulan ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Castillejos, Zambales noong Lunes.

Ang Pilipinas ay nasa loob ng tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan ang pagbanggaan ng mga tectonic plates, maraming lindol at pagsabog ng bulkan ay madalas na naitatala.

94

Related posts

Leave a Comment