BUMAGSAK NA CHOPPER NG BILYONARYO WALANG BLACK BOX

chopper12

(Ni FRANCIS SORIANO)

SCIENTIFIC method ang isa sa nakikitang paraan para sa  imbestigasyon  ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para matukoy ang sanhi sa pagbagsak ng isang unit ng Eurocopter na isa sa itinuturing na high-end chopper.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, kukuha rin umano sila ng salaysay mula sa mga residente ng Barangay Anilao, Malolos, Bulacan, para magamit sa pagsisiyasat dahil wala umanong black box ang nasabing chopper kaya mahirap matukoy agad kung ano ang sanhi ng pagbagsak nito.

Dagdag pa ni  Apolonio na isinaisantabi na nila ang isyung overloading dahil tatlo lamang ang sakay nito, na may maximum capacity na pitong pasahero.

Matatandaan na galing sa Manila at patungo sana sa lalawigan ng Pampanga nang biglang bumagsak sa palaisdaan ang chopper na ikinasawi ng pilotong si Capt. Ever Coronel, driver-bodyguard na si Wilfran Esteban, si Liberato “Levy” Laus, 68, isang billionaire businessman at founder/ chairman ng Laus Group of Companies.

92

Related posts

Leave a Comment