NAIS ni Senador Risa Hontiveros na sibakin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang buong pwersa ng Jolo, Sulu Police kasunod ng alegasyon na may kaugnayan umano sa terrorist organization ang ilang miyembro nito.
Sa kanyang privilege speech, hinimok din ni Hontiveros ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa pinakahuling insidente ng twin bombings sa Jolo.
“Ano ang kinalaman ng pagbomba sa Jolo nitong August 24, sa pagpatay sa mga sundalo noong June 29? Did some policemen put Jolo and our nation at greater risk when they not only interfered with Army intelligence operations, but also killed our operatives?” tanong ni Hontiveros.
Kasabay nito, kinuwestyon ni Hontiveros ang PNP kung bakit hindi pa rin maipatupad ang preventive suspension sa siyam na pulis na isinasangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo.
“Since they are not yet suspended, does that mean that these officers – who are accused of killing four soldiers and are now being investigated for possible ties to terrorists – still perform their functions or access intelligence material? This situation is deeply concerning, and it poses risks to our national security,” saad ni Hontiveros.
“We need more decisiveness from the PNP. We need accountability and justice,” diin pa ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)
32