CAGAYAN MAYOR, VICE MAYOR, SABIT SA P4.9-M GRAFT

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL sa pagbili ng mga P4.9 milyon abono na hindi idinaan sa public bidding noong 2004, kinasuhan ng Sandiganbayan ang alkalde, bise alkalde  at 9 na iba pang opisyal ng Tuao, Cagayan.

Ayon sa Sandiganbayan nagkaroon ng sabwatan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr. Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas, administrative assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, accounting clerk Anabel Turingan, agricultural officer Teresita Espinosa, clerk Juliana Filipina Padilla, at agricultural technologists Leticia Acob at Petra delos Santos, para sa pagbili ng abono.

Sinampahan din ng isang bilang ng graft si Ramon Aytona, kinatawan ng Feshan Philippines.

Sa data ng graft court, nagsabwatan ang mga akusado sa pagbili ng 3,333 bote ng Bio-Nature Liquid Organic Fertilizers sa halagang P1,500 kada bote mula sa Feshan Philippines mula Abril-Hulyo 2004

Direct contracting umano ang ginamit na proseso ng mga opisyal na malinaw na paglabag sa procurement law at nang hingan ng paliwanag kung bakit ay wala namang masabi na dahilan.

329

Related posts

Leave a Comment