CAMPAIGN MATERIAL SA PASILIDAD NG GOBYERNO BABAKLASIN

elect

 INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na tanggalin ang lahat ng campaign materials sa mga lugar na pag-aari ng gobyerno kasabay ng paghimok sa publiko na ireport sa Comelec ang lahat ng lumabag.

“We will not allow candidates to use government properties as a platform for their election campaign. It’s clearly prohibited. Government buildings, properties, vehicles, and equipment are for official use only and may not be used as venues or tools for partisan political activity,”  sabi ni Interior Secretary Eduardo Año.

Hiniling din ni  DILG Assistant Secretary and spokesperson Jonathan Malaya ang publiko na ireport sa LGUs ang mga lumabag gayundin sa Comelec o DILG.

Sinabi ni Malaya na hindi rin pinahihintulutan ang paggamit ng sasakyan at iba pang pasilidad ng gobyerno sa ilalim ng batas.

Kamakailan ay nagsabi na rin ang Comelec sa Kamara at mga tatakbong politiko na tanggalin ang mga poster dahil sa Marso 30 pa ang simula ng campaign period.

Ipinagbabawal din sa mga local government officials at empleyado na mag-endorso ng kandidato para sa May elections

189

Related posts

Leave a Comment