(NI ABBY MENDOZA)
“KUNG ano ang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang syang susundin ko.”
Ito ang pahayag ni House Spesker Alan Peter Cayetano bilang reaksyon sa nauna nang pahahag ni Pangulong Duterte na naroon siya at kaharap sina Cayetano, House Majority Leader Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang mapagkasunduan ang term sharing sa House Speakership.
Sa ilalim ng kasunduan ay 15 buwan magsisilbi bilang Speaker si Cayetano at 21 buwan si Velasco.
Sinabi ni Duterte na kung hindi susundin ni Cayetano ang term agreement ay magkakaproblema ito.
Pagtitiyak ni Cayetano na walang magiging problema sa term-sharing nila ni Velasco at wala siyang balak na bigyan ng problema ang Presidente.
Hindi rin nakikita ng Speaker na magkakaiba ang gusto ng Pangulo sa kagustuhan ng mga miyembro ng Kamara.
Una nang inilutang ng ilang mambabatas na pabor sila na tapusin na ni Cayetano ang 3 taon bilang House Speaker dahil sa magandang pamamalakad nito.
Nais ng mga mambabatas na kung bababa sa pwesto si Cayetano matapos ahg 15 buwan ay magkaroon muli ng botohan para magluklok ng bagong Speaker at hindi agad isalin agad ang posisyon kay Velasco nang walang nangyayaring botohan.
207