CHACHA AYAW ISUKO NG KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

AYAW isuko ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Charter Change (ChaCha) kaya umapela ang mga ito sa mga senador na “buksan ang kanilang isip” sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chair ng House committee on constitutional amendments, hindi aniya isara agad ng mga senador ang kanilang pintuan sa ChaCha.

“I really appeal to our good senators. Instead of brushing aside our proposals for them to really study because there are four proposals which I believe should be discussed in the Senate,” ani Rodriguez matapos aprubahan sa kanyang komite ang ChaCha.

Kabilang sa mga nais amyendahan ng Kamara sa 1987 Constitution ay ang mga economic provisions para magkaroon umano ng mas maraming investment sa bansa at pagboto ng isahan sa presidential at vice presidential candidate.

Nais din ng mga Kamara na mahalal ang mga senador sa bawat rehiyon at pagdagdag na taon sa termino ng mga halal na opisyal mula sa local government hanggang sa Senado.

“I hope that senators instead of just saying that it is doomed, it’s not a priority should go into each and every proposal are they good for the country or not. That is the main issue there e,” ani Rodriguez.

“That is what I am going to appeal to our senators. Keep an open mind, accept our proposals once the plenary and constitutional assembly is constituted,” dagdag pa ng kongresista.

Magugunita na agad na sinopla ng mga senador ang ChaCha ng Kamara lalo na’t nais ng mga kongresista na palawigin ang termino ng mga halal na opisyal at gagawing 5 taon na ang pamumuno ng mga ito taliwas sa kasalukuyan na tatlong taon lamang.

Unang tinangkang amyendahan ang 1987 Constitution noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos subalit hanggang sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo subalit pawang nabigo ang mga pagtatangka.

 

265

Related posts

Leave a Comment